South Korea in the Perspective of a Filipino Expatriate

Thursday, April 30, 2015

OFW Ka Sa Korea Kung…..

Filipino crowd in Korea

Paano nga ba ang buhay ng mga OFW sa Korea?

Kung pagbabasehan ang mga selfies ng bawat pinoy sa Korea na pinopost sa Facebook, pwedeng Masaya. Bongga. Magarbo. Maginhawa.

Meron din nag lulungkot-lungkutan, may nahohomesick, at napapagod.

Bilang OFW dito sa Korea sa mahigit na dalawang taon, marami na din akong nalalaman tungkol sa pamumuhay ng mga Pinoy dito. Humigit Kumulang 50,000 na ang mga pinoy na nandito at malaking bahagi sa bilang na iyan ay mga mangagawang pinoy na kadalasan ay nagtratrabaho bilang factory workers.  Sa dami na ng pinoy dito, nagkakaroon ng panibagong kultura na naadopt na rin ng bawat isa.

Pero ano nga ba ang pagkakaiba ng mga OFWs sa Korea bukod sa mas pogi at magaganda sila kumpara sa ibang OFWs na nasa ibang bansa.

Eto ay ilan lamang sa aking obserbasyon na maaring trademark na rin ng mga mangagawang pinoy dito sa Korea.

1. OFW ka sa Korea Kung…….. iba ang ibig sabihin ng salitang ARTISTA sayo.

Ano ano nga ba ang katangian ng artista sa Pinas? Top 3:

Laging hinahabol ng mga fans
magaling umarte
maraming pera

 May sariling bersyon din ng artista ang mga Pinoy dito sa Korea.

Laging hinahabol ng….. immigration.
Magaling din silang umarte na kunyare ay pasimple lang yon pala ay kabado na kapag nasa labas ng bahay.
At “maraming pera”? , sa tagal ba naman nilang nagtratrabaho dito sa Korea ewan ko lang kung hindi pa mayaman ang mga iyan, in the contrary, kung marami na silang pera eh di sana hindi na rin sila nag artista.

Malamang sa pagkakataong ito, alam nyo na kung ano ang ibig sabihin ng artista sa mga OFW dito sa Korea. Sila po ay ang version ng “Tago Ng  Tago” ng mga pinoy dito. Mga undocumented pinoy workers na talaga namang sobrang dami na. Pero hindi naman natin sila masisisi kung mas pinili nilang maging ARTISTA dito sa Korea.

2. OFW ka sa Korea Kung….. mahilig ka magbigay ng “code name” sa ibang lahi kapag pinaguusapan base sa kanilang katangian.

Ang kagandahan dito sa Korea, pwedeng pag usapan ang katrabahong ibang lahi sa harap nya mismo ng hindi nya malalaman at hindi maooffend. Teka lang, magandang pag uugali ba yan? Haha… pero aminin mo naman, for sure nagawa mo na iyan kahit minsan lang.

Halimbawa, si katrabahong Vietnamese pwedeng tawaging “pusa” bilang parang pusa naman silang magsalita. O di kaya ang katrabahong Uzbek na medyo may edad na pwedeng tawaging “Tanda” o “tatang”. Meron din “pandak”, “tangkad”, “taba” o di kaya “pangit” para sa sobrang pangit na katrabaho.

May mas malala pa dyan, ang pag usapan ang sajangnim. Marahil minsan mo na natawag ang sajang mo na “Panot” o di kaya “bugok”, yong iba naman “Korikong” at kung ano ano pa. Pero syempre, hindi mo yan pwedeng gawin sa kapwa pinoy dahil baka sabon ang aabutin mo. Subukan mo tawaging “Uling” ang kasama mong hindi kaputian.

3. OFW ka sa Korea kung…. Mahilig ka magpicture at ipost sa Facebook

Ilang beses ko na bang narinig ang mga komentong ang mga Pinoy daw sa Korea ang pinakamahilig magpicture kumpara sa ibang OFW sa ibang bansa.

Karangalan ba yan? Haha

Kakain sa restaurant……. Picture!!!

May pinoy na nagbakasyon galing pinas…. Picture!!!!

Napadaan sa palengke…. Picture!!!!

Bago ang bus na sinakyan…. Picture!!!

May cherry blossom…. Picture!!!

May pabonus na spam si sajangnim…. Picture!!!

Umulan ng snow…..Picture!!!

Eh kung umulan kaya ng apoy? May magpipicture pa kaya? O halimbawa aatakihin na ng nuclear weapon ng North Korea ang South Korea, magpapapicture pa din kaya ang pinoy? Gawing background ang nangyayaring gyera!!!

Bawat kilos, kelangan may picture at kelangan post sa Facebook. Pero ayos lang yan, picturan mo kahit ano, wag ka lang magselfie.

Meron talagang nagseselfie, kunyare lungkot lungkutan, ipopost sa Facebook, sampung selfie, iisang anggulo, at lalagyan ng caption “#NoFilter”.

Meron din nagseselfie, kelangan yong talagang fresh na fresh ang mukha at maganda ang palo ng ilaw, tapos ipopost sa Facebook with a caption “My Haggard look, I feel so pangit”. So anong point mo?

Pero syempre, kanya kanyang trip lang yan. Hayaan na lang natin.

4. OFW ka sa Korea kung…. Pag uwi mo ng pinas, halos lahat ng laman ng bag mo ay gadgets

Pag ang OFW galling sa Korea uuwi ng Pinas, madalang ka lang makakakita na sa sobrang dilaw ng mga nagkikintabang gold sa katawan ay mukhang may Hepa na. Hindi masyadong nahihilig sa mga gold na alahas ang mga pinoy ditto. Kaya naman pag umuwi yan, hindi makikitaan ng alahas sa katawan. Kung meron man, iyon ay iilan lang at hindi masyadong lantad katulad ng mga OFW na galing Saudi. Pero huwag ka, buksan ang bag, malamang makikita mo dyan, 5 smarthpones, 3 tablet at 2 laptop. Oo, sobrang mahilig ang mga pinoy dito sa gadgets. Dahil afford nila makabili ng mga gadgets, yong iba bumibili ng maramihan para pampasalubong sa kapamilya, kaibigan at kapitbahay sa Pinas. Bongga!

5. OFW ka sa Korea kung….. nagkaroon ka ng kaibigan o kakilalang Kapampangan

Oo, sobrang dami ng mga kapampangan dito. Wala akong data kung ilan sila dito pero basta alam ko, marami. Bilang laking Mindanao ako, minsan man ay hindi ko naranasang makipagkilala o makpagkaibigan sa Kapampangan. Pero nang makarating ako dito sa Korea, hindi mo maiwasang makakilala ng kahit isang Kapampangan lang. I mean, they’re almost everywhere. Pero isa lang masasabi ko, masarap magluto ang mga Kapampangan… at…. sige na nga, mabait din…yong iba, medyo hindi naman kabaitan… pero ok naman sila, hindi nga lang masyadong maintindihan ang kanilang dialect.

6. OFW ka sa Korea kung…. Alam mo ang lugar na Hyehwa

Ito na marahil ang maliit na bersyon ng Pinas sa Korea, ang Hyehwa-dong. Isang lugar sa Seoul na kung saan nagkakaroon ng Filipino Flea market every Sunday. Kung namimiss mo ang mga pagkaing pinoy, o di kaya ang makisalamuha sa maraming Pilipino at makapagattend ng Filipino mass, eto ang lugar na dapat mong alamin at puntahan. Naging lugar din ito para sa pagkikita ng mga kaibigan at dating mga kasamahan. Dito rin madalas nagpapadala ng remittance ang mga Pinoy tuwing araw ng sahod.

7. OFW ka sa Korea kung…. Mas una mo pa nakabisado ang Korean money kaysa sa “annyong haseyo” at “Chal mogeutsumnida”

Talagang ang bilis ng mga pinoy pagdating sa usapang pera. Dapat alam mo na kung magkano ang Man Won, O Man Won o di kaya ay Baek Man Won. Para naman sa talagang hirap na hirap sa pagpapamilyar sa pera ng Korea, ginagamit nilang basehan ang kulay. Kaya pag sinabing, 3 green, ibig sabihin nun 3 Man Won. O diba, may initiative na matuto.

Marami pa marahil ang mga palatandaan na isa kang OFW sa Korea pero sa ngayon, ito lang muna ang aking maibabahagi. Pero isa lang ang siguradong sigurado talaga ako. OFW ka sa Korea kung ikaw ang tinitingalang bayani ng iyong kapamilya, isang karangalan na higit pa sa pagiging SAJANGNIM.

19 comments:

  1. hihihi.....very very true.....no comments.....

    ReplyDelete
  2. .....may mga pasikat pa
    .....isang iglap pinalitan na ang asawa...naging binata at dalaga na sila....

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay hindi lang sa korea nangyayari yan po,... sa ibang bansa din nangyayari yan

      Delete
  3. I've been there from 1991 to 2011.the best of my life..

    ReplyDelete
  4. Kulit pero trulalo haha love it♡♡

    ReplyDelete
  5. Ofw ka sa korea kung pti ikw nkgaya na rin sa 'aaaiisshhhh' 'aiii iigooo' 'shibaloma' 'shibal' 'sikya' pra skin normal nlng yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ou totoo yn.. Ksma n xa vocabulryo ko ang aiguu chincha, at mas nkakatwa dahil ang twag nmn xa sajang nmin panot at c unggoy, artista dn ako pro umuwi nko ksu nag voluntary exit ako pro hnarang nla ako xa immigration ung ticket ko nsayang lang kya inabot pko ng 10 days, xa kulungan ako ng incheon ntulog nilipat nla ako xa ulsan immigration ng 3 days after that 7 days xa cheongju main ng immigration bgo mkauwi at 3 mos preggy pko non may mga nging kaibgan ako xa kulungan mbbait cla ibt ibang lahi ung iba inabot n ng 4 mos dun,ung iba itinakas n ng amo ung shod kaya hnd cla mkauwi kse wlang pmbli ng ticket nkakalungkot nung pauwi nko umiiyak cla kse pauwi nko hbng cla nandun prin nag.Aantay ,xa btas ng immigration hnd knukulong ang buntis pro knulong pdin nla ako, ang gnda xa korea msrap mg trabho lalu n kng okey dn mga ksma mo ksu nransan ko din manloloko at gagong amo. Kya may msaya at mlungkot n part dn tlga

      Delete
  6. nyahahaha!.. kapampangan ako pero d ako marunong magluto.. whahaha

    ReplyDelete
  7. Halos parehas lang naman ang mga palatandaan bilang isang OFW...

    ReplyDelete
  8. tindi bro.... haha, natawa ako sa post mo na to....

    ReplyDelete
  9. iwasan kung maiiwasan kapampangan lalo na yung nasa yeongam na mga kapampangan na tomboy, grabe mga yun,

    ReplyDelete
  10. dati na akong OFW sa korea bilang welder, sa ilang taon ko nagtrabaho sa Yeongam halos lahat ng pinoy baguhan o mga tumanda na doon ay kilala ko halos, yun lang experience ko sa mga kapampangan ang gusto ko ipaalala sa mga nagnanais na makapunta para magtrabaho, iwasan hanggat maaari, unang una karamihan o halos lahat na yata ng kapampangan mahihulig mangutang, tamad sa trabaho, pag swelduhan na ubos kung ubos ang sahod, mahilig sa goodtime, tsismosa mapa lalaki man o babae.. bossing ang dating gusto sila bida, papakitaan ka ng kabaitan kuno pero may kapalit pala.. yung ilan mga war freak.. nagngunguha ng gamit ng walang paalam, yung isang kasama ko sa room dipa umamin nakita na nga yung tools ko, tools na lang tinira pa.. mga inggitero.. ang pinaka ayaw ko sa kanila mga AHAS , kaya nasabi ko sa sarili ko di lang pala dugong aso mga ito dugong ahas din.. kawawa yung mga baguhan na nabarkada sa kapampangan mga naiimpluwensyahan ng ugaling aso.. inom sugal yan ang karaniwang makikita pag sapit ng sweldo... pamilya sa pinas nag su-suffer.. paalala lang yan kabayan..

    ReplyDelete
  11. GRabe ka nman makapagsalita di nman po lahat ganun. syempre nasa tao din yan. wag mo lahatin

    ReplyDelete
  12. Hi po. Tanong ko lang, if ever after makapass sa exam then nakapag process na ng papel ano pong susunod na step? Pano kami makakhanap ng employer, meron po bang nga employer na magha hire dto sa pilipinas..pano po?
    Thank po sa mga info sobrang useful po sya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. isusubmit yong mga naprocess nyo pong documents sa HRD Korea. Bale isasli kayo sa roster of applicants at ang mga employers na nadito sa Korea, they will randomly select people from the list,. Ang gagawin nyo na lang po eh maghintay hanggang kelan kayo maswerteng mapipili.

      Delete
  13. Yes~ po yon din na obserbahan ko sa mga kapampangan dto. Mayabang cla at mapagmalait sa kapwa. Pwera na yng mabait dyan. Akala mo nman branded ang suot nya kc pnagmmyabang gling lng nman pla sa okay2. Ayyy nku kpampangan sna mbawasan kyo dto sa korea. Peace✌

    ReplyDelete
  14. Tawa q s ukay ������

    ReplyDelete
  15. haha ginusto ko rin magwork sa korea dati.. may KLPT certificate ako, aksidente lang. kasi nung tumira ako sa Baguio graduating ako ng college nun, ang dami Koreans dun halos pagkamalan ng little Korea ang Baguio. eh yung tirahan ko puro Korean ang nakapalibot dun sa may Middle Quarry, landlady ko Korean tapos yung kinakainan ko Korean din may ari. eh may binigay sa akin na slot para sa Korean language class nung pamangkin ng landlady ko, hindi na raw kasi magagamit nung estudyante nila na Hapon kaya ako ang gumamit. tas ayun.. haha. ginusto ko magpunta ng Korea mga bandang 2009 na kaso nadiscourage din ako dahil sa mga patakaran sa factory. sabi lang din ng mga Koreans na naging friends ko rin sa Baguio, kaya nga daw sila nagmigrate sa Pinas kasi mahirap daw kumita sa Korea. mataas nga magpasahod, ang taas din ng standard of living dun. so kung darating ang panahon na iko consider mo magmigrate sa Korea, maiisipan mo mas masarap tumira sa Pilipinas kasi mahal ang gastusin sa Korea plus kelangan bihasa ka na talaga sa lengwahe nila. Parang Japan din daw yan, may pagka xenophobic kasi ang mga tao diyan kaya bihira din sa kanila marnunong mag English. need matuto ng language nila.

    kung mahilig sa Kpop at Kdrama feel na feel siguro magstay kung sakali but reality will always bite you. yan ang sabi mga kaibigan ko Koreano.. tsaka ugali daw karamihan dun katulad ng mga Intsik sa mainland China. lalo na sa mga probinsya. kung oobserbahan niyo mga Korean sa Pinas, naaadopt nila paguugali natin pero nangingibabaw sa karamihan sa kanila yung pagiging aloof, parang sila sila lang magkakilala kasi ganun sa bansa nila, bihira makakita ng foreigners pero ngayon medyo nabago naman na daw ang society nila still ganun pa din. mahirap lalo kung makapangasawa ng Korean.

    hay basta long story siya. hahaha

    ReplyDelete